MGA SAYAW NG PILIPINAS
Mga katutubong sayaw ng Pilipinas
Kagaya rin ng iba't ibang wikang matatagpuan sa Pilipinas, ang katutubong sayaw ng bansa ay makikita sa makukulay, sari-sari at nakaaanyayang indak at tugtugin na makikita sa halos lahat ng rehiyon ng bansa. Maraming impluwensiyang nagmula sa mga katutubong Ifugao, mga dayuhang Indones, Kastila at Hapon ang makikita sa mga sayaw na gaya ng "Ragragsakan", "La Jota Moncadena", "Tinikling", "Singkil", "Binasuan", "Pandanggo sa Ilaw" ang patuloy na nagbibigay aliw at bighani maging sa mga turista at mga kapwa Pilipino. Pinakikita rin sa pamamagitan ng katutubong sayaw ng Pilipinas ang maalab na damdamin, pag-ibig, kasiyahan, kabuuan ng loob, pagkakaisa at pagkakaiba na hudyat ng isang bansang binubuo ng 7,107 isla. Ilang piling manananghal ang patuloy na bumubuhay sa mga katutubong sayaw ng bansa ang kilala rin sa iba't ibang sulok ng mundo. Ang Bayanihan Dance Troupe at Ramon Obusan Folkloric Group ay ilan lamang sa grupo ng mga Pilipinong pinag-aaralan ang bawat hakbang at mahusay na nagdudokumento ng mga sayaw na matatagpuan sa buong kapuluan. syempre mga tanga di alam ung tinikling -@sophiamarietacuyan(sweetieswager)
Mga talaan sa Pilipinas (Kolonisasyon Espanya)[baguhin]
- Balse
- Jovencita
- La Jota
- Jota Española
- Jota Gumaqueña
- Jota Manileña
- Jota Moncadeña
- Jota Pangasinana
- Jota de Paragua
- Paso Doble
- Polkabal
- Rigodon de Honor
MGA LARAWAN NG SAYAW NG PILIPINAS
Pandanggo
Ang pandanggo ay nagmula sa Mindoro (bilang pandanggo sa ilaw) at Pangasinan (bilang pandanggo sa oasiwas)
Balse
Ang balse (Ingles: waltz) ay isang uri ng sayaw.[1] Sa Pilipinas, dinala ito ng mga Kastila at tanyag sa lugar ng Marikina noong panahon ng mgaKastila.